Monday, May 2, 2016

Harapang Duterte - Trillanes sa BPI Julia Vargas

Ok, so…ano ang nangyari sa inaabangang enkwentro sa BPI Julia Vargas?  Wala!

Dahil nagpunta lang doon ang abugado ni Duterte para hingan ng certificate ang BPI tungkol sa balance ng account ni Duterte, at kung magkano ang total deposit na pumasok sa history ng account.  Wala silang balak “buksan” ang bank account.

Kaya nga lang, kailangan ng BPI ng isang lingo para magawa ang pangalawang certificate na inaabangan ng madla, dahil hindi ito standard certificate na iniisyo ng bangko.

So?  Ano ang napala ng mga pilipinong naghihintay? Nganga!  Umuwi na lang na gutom at sawi sa paghahanap ng kasagutan!

Sabi nga ng ilan, kaduda-duda, nakapagtataka ang pagkatao nitong si Duterte. 

Asa pa, bayan!




Saturday, April 30, 2016

Ang Prediction ko sa Philippine President


Simple lang ang hula ko.  Ang mananalo nyan ay si Duterte!

Bakit kamo?  May hypnotism power itong si Duterte. lahat ng makausap kong boboto daw sa kanya eh nakatulala at iisa ang sinasabi, Siya daw ang pag asa ng bayan dahil ipapapatay daw ng mokong na ito ang lahat ng kriminal sa pilipinas!

'Nak ng tokwa naman ano ito,  pelikula ni Sylvester Stallone???




Thursday, April 28, 2016

Eleksyon sa Pilipinas

Malapit na ang eleksyon..dalawang linngo na lang.

Sino ba ang iboboto ko kung boboto ako?

Si Duterte daw ang sikat na kandidato at nangunguna sa mga survey. Pero...maniniwala ba ako sa sinasabi nito na lilinisin daw nya ang katiwalian sa loob ng 6 months? Superman wow! Pero ayoko ng hilatsa ng taong ito..mahilig magmura sa harap ng publiko, ginagawang katatawanan ang mga nagahasa, at nagyayabang sa pagpatay.  Totoo kayang NPA financer itong si Duterte? Tsk tsk...pass ako dyan!

Si Grace Poe, medyo mukhang trapo at baguhan naman. Kung maghintay hintay man sana siyang mahinog para man lang hindi nakakaduda na didiktahan lang ng mga advisor.  Kumbaga may gatas pa sa labi.

Si Binay, medyo mahaba na ang karanasan sa pamamalakad pero tutoo kaya na mahilig daw itong mangupit ng pera ng taong bayan? Pero sabi ng mga kakilala at ka chat ko, praktikal at maganda sa economiya kung ang magpapalakad ay ang negrong ito.

Si Roxas, nakakasawa na ang pagmumukha nitong taong ito.  Kakadikit nya kay Aquino, wala tuloy nangyari sa career ng mokong na to.  Haay, kawawa naman.

Si Miriam, wala akong masamang tinapay, actually kung boboto ako, siya na siguro ang pipiliin ko.  Bukod sa mahabang serbisyo, mukha namang magiging matinong pangulo ito ng bansa. Matalino ang babaeng ito, pero sayang dahil may sakit siya sana man lang nagpagaling na muna siya ng todo kaysa sumabak sa pangangampanya.

Anyway, sayang hindi ako nakapag parehistro man lang. Tsk tsk...

Wednesday, April 27, 2016

Day off kanina

Dahil saday off ko ngayon, nagising ako ng alas 10 ng umaga. Gusto ko pa sanang matulog kaya lang baka pag nasobrahan eh mahirapan naman akong makatulog sa gabi.

As usual, malamig pa din ang panahon. Spring na pero parang winter ang lamig. Nakakainis yun dahil akala mo pwede na pan relax relax maglakad sa labas pero ngayon sobra pang malamig.  Dagdag pa nito pa ulan ulan pa at makulimlim ang panahon!  Nakupo, haring araw na mi miss na kita!




Daldalero

Sa wakas natuto din akong gumawa ng blog. Noon ko pa balak gawin ito pero tinatamad akong pag aralan kung pano gawin ang isang blog. Anyway, ngayong meron na, sisikapin kong buhayin ang munting blog na ito sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga kaganapan sa maliit or medyo maliit kong mundo.


Unang una, tawagin nyo na lang akong daldalero. Sabi ng mga kaibigan ko mahilig daw akong mag kwento ng kung anu ano, at para maging madaling tandaan ang ngalan ng blog na ito, tawagin na lang nyo akong daldalero. Ang hirap kasing humanap ng matinong salita sa taong pla kwento. Kuwentista? Kuwentador? Kaya daldalero na lang.